Search here

Sino Ako | Kristo Lyrics | Various Artists


Sino Ako | Kristo Lyrics | Various Artists

Hiram sa Diyos ang aking buhay,
Ikaw at ako'y tanging handog lamang;
'Di ko ninais na ako'y isilang,
Ngunit salamat, dahil may buhay.

Ligaya ko nang ako'y isilang,
'Pagkat tao ay mayroong dangal.

Sinong may pag-ibig, sinong nagmamahal?
Kundi ang taong Diyos ang pinagmulan;
Kundi ako umibig,
Kundi ko man bigyang halaga.

Ang buhay kong handog,
Ang buhay kong hiram sa Diyos;
Kundi ako nagmamahal, sino ako?

Kristo
Ikaw ang lagi kong kausap,
Ikaw ang laging tinatawag;
Gabay Ka ng bawat pangarap,
Lakas ng bawat pagsisikap.

Ikaw ang tunay na kaibigan,
Ginto ang puso't kalooban;
Ngunit hindi lahat ay may alam,
Na Kristo ang 'Yong pangalan.

Kristo, Kristo
Bakit minsan Ka lang nakikilala?
Kapag nakadama ng dusa't pangamba
Tinatawagan Kang, sana'y maawa Ka

Kristo, Kristo
Kulang pa ba ang pag-ibig na dulot Mo?
Bakit ba ang mundo ngayon'y gulong-gulo
Anong dapat gawin, kami'y tulungan Mo

Oh Kristo, Kristo, Kristo

Sinong may pag-ibig, sinong nagmamahal?
Kundi ang taong Diyos ang pinagmulan;
Kundi ako umibig,
Kundi ko man bigyang halaga.

Ang buhay kong handog,
Ang buhay kong hiram sa Diyos;
Kundi ako nagmamahal, sino ako?


[ ↑ ] TopMore Worship Song LyricsHome